My Early and Childhood Days with my Family!
I am a daughter of a poor family. I'm the eldest of the five children. So, maliit pa lamang ako alam kuna ang mga responsibilidad na nakaatang sa akin. Halos apat na taon ang tanda ko sa kapatid kung sumunod sa akin. Kaya naman ng ang mga magulang ko ay pumupunta sa bukid para magtrabaho, pinapabantayan nila sa akin ang dalawa kung kapatid. (kambal kasi.) Sa murang edad ko, natuto ang isipan ko sa mga gawaing pang nanay. Nakatira pa kami noon sa malayo. Wala kami halos na kapitbahay.
Nang tumuntong ako sa panglimang taon, pinalad kaming lumipat ng tirahan. Umuwi kami sa lupang tinubuan ng mama ko. Atleast, masasabi kung medyo sumaya ang buhay ko. Nagkaroon kami ng maraming kapitbahay. Madami din akong naging kaibigan. Pero di ko malilimutan, palagi akong tinutukso noon. Siguro dahil sa palayaw ko. Kung bakit naman kasi pumayag ang mga magulang ko sa palayaw kung ito.
Mag-aanim na taon pa lamang ako noon, ng magsimula akong pumasok sa eskwela. Tandang-tanda ko pa. Unang araw sa paaralan na napagalitan ako ng mga magulang ko. Ikaw ba naman uwian ng alas tres ng hapon, umuwi ng alas singko. Nawili kasi ako sa kakakuha ng sampalok. Unang taon sa elementarya, wala akong pakialam. Ang sa akin lang basta sumaya ako. Bata pa talaga ako. Laro lang ng laro. Magkaklase pa nga kami ng pinsan ko at saka tiyahin ko. Nang sumunod na taon, nagpatala uli ako. Noon din medyo sumeryoso ng kaunti. Pero andun parin ang hilig ko sa laro. Nang taon ding iyon isinilang ang kapatid kung babae. Ayon, dagdag uli sa babantayan.
Nang sapitin ko ang pangsiyam na taon, nasa ikatlong baitang na ako. Dito talaga nahubog ang kaalaman ko. Naging serious na ako. Nag-aaral na ng leksyon. Itong taon ding ito una akong tumanggap ng karangalan. Ipinagpatuloy ko ito hanggang sa sumunod na taon. Ito rin ang taong halos nasa bukid ang buhay namin. Maaga pa lamang gumigising na ako. Nagluluto ng kanin para baunin. Maaga pa nasa bukid na kami. Tuwing hapon pagkatapos ng klasi deretso agad sa bukid. Kukunin ko yong kapatid kung babae. Tapos naglalakad lang kami noon, karag-karga ko siya, bitbit naman ng kapatid kong lalaki ang ibang gamit namin. Gabi na kasi kung umuwi mga magulang ko.
1994, masakit ang taong ito. Pumanaw ang butihin naming lolo. Una ko pa namang karanasan kung paano ang mawalan ng mahal sa buhay. Laking pasasalamat ko lamang dahil tanggap na ng pamilya ang pagkawala niya. Ang sumunod na taon di naging maganda. Walang akong maibabahaging pangyayari. Bagkus, isinilang ang bunso kung kapatid na babae.
Taong 1994, nasa ika-anim na taon na ako, ika nga magtatapos na. Sumaya ang buhay ko. Naging seryoso talaga ako. Sumali sali ako sa mga iba't-ibang patimpalak. Andiyan yong nanalo ako bilang Ms. Nutrisyon. Sumali sa Girl's Scout. Lumahok din ako sa patimpalak ng barangay. Medyo nagkaroon din ako ng tiwala sa sarili. Ika-26 ng Marso, 1995 ng ako'y magpaalam sa aking paaralan. Apat kaming magkaibigan ang sabay na nagtapos. Masayang-masaya ako. Nasabi ko sa sarili ko tuloy "hhmm nasa pangalawang level na ako, ano kaya ang naghihintay sa akin doon?"
Hunyo 1995, unang taon ko sa sekondarya, napabilang pa naman ako sa unang seksyon. Takot ako noon. Baka kasi di ko makaya ang kumpitisyon. Buti nalang mabait ang naging mga kaklasi ko. Dito nagkaroon ako ng iba't-ibang kaibigan. Nagkahiwalay kasi kaming apat. Okey lang. We see each other naman every afternoon after class.
1996, nasa pangalawang taon na ako sa sekondarya. Dito napakapangit talaga ng mga pangyayari sa buhay ko. Wala akong masisi, kundi sarili ko lamang. Dito ko naranasan ang halos bumagsak ako sa lahat ng asignatura ko. Di nga ako umiinom, nagyuyusi o kahit man lamang nalulong sa boyfriend (dahil wala naman), hindi talaga ako pumapasok sa school. Dito din ako natutong lumayas. Pero, di ko alam kung ano talaga ang malalim na dahilan. Siguro nahiya lang ako sa mga magulang ko. Sabi nila, boyfriend daw ang dahilan pero ang totoo wala akong boyfriend. But im very thankful to my parents, dahil bago pa huli ang lahat naituwid nila ako. Minsan nga pag nagmuni muni ako, halos maiyak ako. Parang ayaw kung balikan kung ano man iyon. I made all those experienced as a stepping stone. Marami akong napulot doon. I moved on. Ngunit mahirap na talagang maibalik ang nakaraan. Kahit wala kang ginawa, tingin nila sakin meron. Di ko sila masisisi. Mula pagkabata binantayan na nila buhay ko. Dahil may anino naman talagang nakakabit sa akin na diko matanggal tanggal.
Taong 1997, i was third year high school then. I can say that i'm 70% serious. Dito nagpamalas ako. Naging honor pa nga ako sa klasi. Binigyan din ako ng mga classroom obligations. Andiyan yong pagkatiwalaan ka. Medyo bumalik uli ang self confidence ko. Dito unti-unting bumabalik ako. Dagdagan pang andiyan palagi ang mga paborito kung mga guro (ma'am Abella, ma'am caberoy, ma'am Anque, sir Miral).
Summer of 1998, nagsummer job ako sa isang mag-asawa. Tatlo ang kanilang naging anak. Si Dave, Francis at saka si Derek. Mabait sila . Sa dalawang buwan na pagtatrabaho ko, tumanggap ako ng P1,400 na sahod. Iyon ay bunga ng pinaghirapan ko. Ang sarap talagang gastahin. Bago ako umalis, sinabihan pa ako ng amo kung babae na babalik daw ako. Kinakamusta parin nila ako, kahit nasa kolihiyo na ako. Namimiss kuna nga sila.
June of 1998, nag-enroll uli ako. At last nasa huling taon na ako sa high school. Napadpad ako sa pangalawang seksyon. Naging adviser ko sir Canillo. Mabait siya. Andami kung hinawakan na obligasyon. Andiyan yung class secretary, treasurer,monitor at saka sa iba't-ibang subjects din. Sumali ako sa Science Club. Medyo na pressure ako ng taong ito. Pero okey pa rin ako. March of 1999, masarap na talaga ang simoy ng hangin, malapit na kasi kaming magtapos. Halos isang buwan din kaming nagprapracticed ng songs. Dito uli ako naglalakwatsa. Di ako sumasali sa practice bagkus pumupunta kami ng friends ko sa bahay ng isa ko ring friend. Doon nagluluto kami ng food. Naliligo ng dagat. Namamangka. Mach 29, 1999 mag ikatatlo na noon ng hapon ng ako'y magmartsa. Pamamaalam na naman. Masayang malungkot dahil magkakahiwalay na kaming magkakaibigan.
Ito ang huling araw kung saan nasilayan ko kung gaano kasaya ang isang high school. The next year came was different, though i used to overcome all those trials. And i'm very happy...

